ALL SET NA! | Basketball league ni People’s Champ Manny Pacquaio, aarangkada na sa Linggo

Manila, Philippines – All set na ang pagbubukas ng na basketball league na binuo at pagmamay-ari mismo ni Boxing Champ Senator Manny Paxquiao.

Sa Araneta Coliseum, gaganapin ang opening ng Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL sa darating na Linggo, January 25.

Sampung team mula sa Paranaque, Caloocan, Bataan, Batangas, Bulacan, Imus, Muntinlupa, Navotas, Quezon City at Valenzuela ang maglalaban-laban sa pinakabagong liga ng basketball sa bansa.


Ayon sa founder at owner nito na Senator Manny Pacquiao, layunin ng liga na makatulong sa mas maraming kabataaang interesado sa sports.

Target nila na makabuo rin ng mga koponan mula sa Visayas at Mindanao sa mga darating na taon.

Facebook Comments