Allowance at benepisyo ng healthcare workers habang may pandemya, tiyak na may pondo

Tiniyak ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na may pondo ang patuloy na pagbibigay ng dagdag na benepisyo at allowance sa mga healthcare worker sa gobyerno at pribadong sektor habang may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angara, ₱51 billion sa ilalim ng pambansang budget ang nakalaan dito ngayong taon.

Ang pahayag ni Angara ay kasunod ng paglagda at pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act.


Itinatakda ng batas ang ₱3,000 hanggang ₱9,000 na buwanang health emergency allowance sa public at private healthcare workers depende kung nasa low risk, medium risk o high risk areas sa COVID-19.

Base sa batas, pagkakakaloban ng ₱100,000 ang magiging malubha sa COVID-19, ₱15,000 para sa hindi malubha at ₱1 milyon sa pamilya kapag nasawi dahil sa virus habang sagot naman ng PhilHealth ang pagpapagamot sa kanila.

Facebook Comments