Sinimulan na ng mga mangingisda sa bayan ng Rosario, La Union ang paggawa ng asin gamit ang solar technology bilang alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan.
Nakapagtala ng unang ani na nasa 20 kilo ng asin ang mga mangingisda gamit ang solar salt production technology.
Abot sa humigit-kumulang 180 na mangingisda mula sa mga asosasyon ng RA-BA-DAM ang mga benepisyaryo kung saan sumailalim ang mga ito sa pagsasanay ukol sa proseso ng paggawa ng asin noong 2024 at nagsagawa rin ng benchmarking sa Dasol at Bangar noong nakaraang taon bago maipatupad ang nasabing proyekto.
Naisakatuparan ang proyekto ngayong taon sa ilalim ng Annual Procurement Plan ng lokal na pamahalaan ng Rosario.
Para umano ito sa pagsulong na mabigyan ng dagdag na kita ang mga mangingisda.
Inaasaha naman na magsisilbi itong simula para mapaunlad pa ang industriya ng asin sa bayan maging magbubukas ng marami pang oportunidad sa kabuhayan para sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










