PAMILYANG NASUNUGAN SA BARANGAY NALSIAN NORTE, BAYAMBANG, BINIGYANG TULONG

Binigyan ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Bayambang ang isang pamilyang nasunugan ng bahay sa Barangay Nalsian Norte nitong Miyerkules, November 4, 2026.

Dito ay personal na ipinagkaloob ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO at Mayor’s Action Center ang tulong sa mga apektadong residente.

Kabilang sa ipinamahagi ang bigas, grocery packs at pinansyal na tulong upang makatulong sa kanilang pangangailangan at muling pagbangon mula sa sinapit na sunog.

Kasabay nito, hinimok ng lokal na pamahalaan ang publiko na palaging mag-ingat at tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong nararanasan ang epekto ng El Niño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments