Iminungkahi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang ilang alternatibong mapagkukunan ng pondo para sa isinusulong na Maharlika Wealth Fund (MWF) Bill.
Ayon kay Villanueva, welcome development ang hakbang ng Kamara na alisin sa probisyon ng panukala ang paggamit sa pension funds ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
Dahil dito ay nagrekomenda ang senador na gamitin na lamang bilang pondo sa MWF ang kita ng pamahalaan mula sa mining at plastic industry.
Iminumungkahi rin ng mambabatas na ibigay na lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangangasiwa ng sovereign wealth fund para matiyak na hindi maiimpluwensyahan ang pamamahala rito.
Inihalimbawa pa ng senador na sa ibang bansa, ang kanilang mga central bank ang namamahala sa sovereign fund dahil ang mga ito ay isang independent financial institution.