Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na imposible isagawa ang mungkahi ng Department of Health na magkaroon alternatibong paraan para makaboto ang mga positibo sa COVID-19.
Kasunod ito ng pahayag ng DOH na maaaring magdulot ng pagkalat ng virus kung papayagang makaboto ang mga ito kung kaya’t mas makakabuti kung virtual, digital o sa pamamagitan na lamang ng text message sila bumoto,
Ayon kay COMELEC Commissioner at Spokesperson James Jimenez, ang nasabing mungkahi ay malabo dahil hindi ito otorisado ng umiiral na batas.
Kung ipo-proseso man, imposible rin aniya itong makaabot ng mismong araw ng eleksyon.
Kasabay nito, nilinaw rin ni Jimenez na ang itatalagang mga isolation polling places (IPPs) ay nakalaan lamang para sa mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 at hindi para sa mga pasyenteng nananatili sa ospital o isolation centers.