ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM | Libo-libong preso, pasok sa special school sa loob ng bilangguan ngayong taon – BJMP

Manila, Philippines – Umaabot sa mahigit labinlimang libong inmates ang pumasok sa Alternative Learning System (ALS) ng DepEd sa ibat-ibang mga bilangguan sa buong bansa.

Ito ang lumalabas sa talaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kasunod ng pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, 5,866 sa bilang na ito ay nasa elementarya habang 9,740 naman sa high school.


Binigyan diin ni Solda na isa sa prayoridad ng BJMP ang pagbibigay ng edukasyon para maging produktibo ang panahon ng isang person deprived of liberty o preso sa loob ng mga piitan.

Paliwanag ni Solda, isang malaking hakbang ang ALS education para mabigyan ng pag-asa ang isang preso paglabas nito sa bilangguan.

Noong nakalipas na taon umaabot sa mahigit pitong libo isandaan ang mga enrolees na preso na gustong makapag-aral sa loob ng piitan.

Facebook Comments