ALU-TUCP, nagbabala na may lalabaging batas si Labor Sec. Bello sa mungkahing huwag muna ilabas ang 13th month pay

Lalabagin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Presidential Decree 851 sakaling ipilit nito ang planong pagpapaliban o pagbibigay ng exemption sa pagkakaloob ng ng 13th month.

Ito ang naging paalala ni Alan Tanjusay, spokesperson ng workers group na Associated Labor Unions (ALU).

Ayon kay Tanjusay, itinatadhana ng batas na mandatory para sa lahat ng employers ang pagbibigay ng 13th month pay sa lahat ng rank-and-file employees bago o sa mismong December 24 ng bawat taon.


Sa halip aniya na hikayatin ni Bello ang mga amo na magbigay ng 13th month pay, hinihikayat pa nito ang mga ito na lumabag sa batas at pahinain ang loob ng labor sector.

Dagdag ni Tanjusay na mayroong mga mekanismo na tutugon sa economically distressed na kumpanya sa panahong may health crisis.

Dapat aniyang naisip ni Bello na magbuo ng labor-management council sa bawat company-level upang makapag-usap ang employers at mga empleyado.

Facebook Comments