Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung bakit mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga lamang ang may parusang kamatayan.
Ipaliwanag ni Alvarez, napagkasunduan sa mayorya na isa-isahin ang mga krimen na nais patawan ng death penalty upang mapadali ang proseso kaya rin illegal drugs muna ang kanilang inuna.
Dagdag pa ng Speaker, tiyak na isusunod naman ang ibang krimen sa nais patawan ng parusang kamatayan.
Sinabi pa ni Alvarez na bago matapos ang Linggong ito o sa Miyerkules ay aprubado na sa ikatlong pagbasa ang panukalang at ito ay ipapasa na sa Senado.
Umaasa naman si Alvarez sa Senado na bago mag-budget hearing ay tapos na rin sa Mataas na Kapulungan ang parusang kamatayan.
Facebook Comments