Isang laborer, arestado sa ginawang pananakit sa kanyang sariling anak sa QC

58

Manila, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang laborer matapos na saktan nito ang kanyang sariling anak sa QC.

 

Kalaboso ang suspek na si Rap Garadas, 34 anyos, matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Litex Road kanto ng IBP Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, inaresto si Garadas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni QC RTC Presiding Judge Jose Bauresto dahil sa kaso ng suspek na paglabag sa RA 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

 

Matatandaan na sinampahan ng kaso ang suspek nang mismo nitong pamilya dahil sa pagiging iresponsable at madalas na pananakit sa kanyang mga anak.

 

Nakapiit  na sa Station 6 ng QCPD ang suspek, pero  maari umano itong pansamantalang makalaya sakaling magbayad ng kaukulang piyansa.



Facebook Comments