Alyas BOLBOL, Patay sa Police Drug Ops sa Naga City

Isang nagngangalang Michael na mas kilala bilang alyas Bolbol ang napatay sa isinagawang drug buybust operation ng mga myembro ng RPDEU, CPDEU & SPDEU in coordination with PDEA. Ang operasyon ay isinagawa kaninang 2:20 ng madaling araw sa Zone 1, Brgy. Lerma, Naga City.

Ayon sa report, matapos ang bilihan ng droga, natunugan ng suspect na mga alagad ng kapulisan pala ang kanyang katransaksyon. Bigla umanong tumakbo si alyas Bolbol at pumasok sa residensiya ng isang Verginia Canet kung saan hinabol at naabutan naman siya ng mga operatiba.

Nang nasa loob na ng pamamahay ni Canet, sinubukan umano ng suspek na bumunot ng baril kung kayat napilitang magpaputok ang mga pulis. Patay si alyas Bolbol. Narecover mula sa kanya ang isang caliber .38 revolver with live ammo. .


Nang tanungin ang may-ari ng bahay na si Verginia Canet kung kakilala niya ang suspek, kaagad naman itong itinanggi ng babae.

Patuloy pa ang imbistigasyon kung ano ang totoong buong pangalan ng napatay na suspect dahil walang nakuhang identification cards/papers sa kanyang katawan.

Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!

Facebook Comments