Ama ni Mabel Cama na si Reynaldo, dismayado sa CHR at CBCP

Manila, Philippines – Dismayado si Reynaldo Cama ama ni Mabel sa CBCP at CHR na pinatay, sinunog at ginahasa pa ni Randy Oavenada sa Ortigas Avenue Extention Brgy. Rosario Pasig City.

Ayon kay Reynaldo simula noong nakaburol ang kanyang anak ni isa sa mga representative ng CHR at CBCP ay walang dumalaw sa burol ng kanyang anak na lubha itong ikinadismaya dahil kilala ang CHR na tagapagtanggol sa karapatan ng mga indibidwal na naaapi o naagrabyado.

Una rito maingay ang CHR at CBCP sa mga nangyayaring patayan sa bansa na may kinalaman sa illegal na droga pero sa pagkakataon ito sangkot sa ilegal na droga ang suspek na si Oavenada ngunit tahimik lamang ang CHR at CBCP sa naturang usapin.


Giit ni mang Reynaldo kung talagang karapatan ng mga walang kalaban laban na indibidwal ang ipinaglalaban ng CHR at CBCP ito umano ang pagkakataon na mag-ingay sila at kundenahin ang walang kalaban laban na bank employee na pinatay,sinunog at ginahasa pa ng isang drug adik na truck driver.

Facebook Comments