AMBAG NG MGA STAKEHOLDERS SA HILAGANG LUZON, KINILALA NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes ang 18 natatanging katuwang mula sa Hilagang Luzon bilang pagkilala sa kanilang mahalagang suporta sa pagsusulong ng edukasyong pinansyal at pagpapalaganap ng kaalaman sa pananalapi.

Kabilang sa mga pinarangalan ang ilang bangko, sangay ng pamahalaan, kooperatiba, at mga asosasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Pinarangalan din ang ilang lokal na pamahalaan kabilang na ang Provincial Government of Pangasinan dahil sa kanilang aktibong pakikiisa sa mga programa ng BSP.

Inihayag ni BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat ang kaniyang pasasalamat sa kontribusyon ng mga katuwang ng kanilang tanggapan.

Samantala, inihayag naman ni BSP Monetary Board Member Walter Wassmer na malaki ang naging papel ng mga katuwang sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman ukol sa pananalapi, pagpapalawak ng access sa mga serbisyong pinansyal, at pagtataguyod ng inobasyon sa digital finance.

Facebook Comments