Nagsagawa ng courtesy call sa lungsod ng Maynila ang Ambassador ng Vietnam na si Hoang Huy Chung kung saan mismong si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang sumalubong sa naturang ambassador.
Pinapurihan ng nasabing ambassador ang lungsod sa kanyang unang pagbisita sa Maynila, pinahahalagahan ang pagtatatag ng rebulto ng dating pangulo at ama ng Vietnamese Independence na si Ho Chi Minh sa Intramuros.
Nagpalitan din ng karanasan ang alkalde at ambassador sa mga bansa ng bawat isa, kung saan ibinahagi ng alkalde ang kanyang pagkahumaling sa mga motorsiklo sa Vietnam sa kanyang personal na pagbisita ilang taon na ang nakararaan.
Nag-iwan din si Ambassador Hoang Huy Chung ng mga menshe ng pasasalamat sa mga Filipino at English teacher sa Vietnam na nagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga batang Vietnamese sa kanilang bansa.