IRR RA 11861 o Solo Parent Act, lalagdaan ng DSWD mamaya sa lungsod ng Maynila

243

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ngayong umaga ay lalagdaan na ang IRR o ang Implementing Rules and Regulations ng RA 11861 mas kilala bilang Expanded Solo Parents Welfare Act sa Diamond Hotel sa lungsod ng Maynila.

Pangungunahan ito ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, kasama ang mga kinatawan nina Senator Imee Marcos na si Director Julieta Apostol, Senator Bong Go na irerepresenta ni Representative Anthony Rolando Golez Jr., ng Malasakit at Bayanihan Partylist at si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas.

Ang RA 11861 ay batas na nagtatakda ng mga benepisyo at pribilehiyo sa mga solo parent at kanilang mga anak na lalaanan ng pondo ng pamahalaan.


Inamyendahan ng batas na ito ang Republic Act No. 8972.

Facebook Comments