Ambuklao at Binga Dam, nagpakawala ng tubig

Nagbukas ng dalawang gate ang PAGASA sa Ambuklao at Binga Dam ngayong araw upang magpakawala tubig.

Ito ay dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga nasabing dam bunsod ng mga ulang dala ng habagat.

Batay sa kanilang tala kaninang umaga, ang Ambuklao Dam ay tumaas ang antas ng tubig sa 751.84 meters at 574.79 meters naman sa Binga Dam. Maaaring maapektuhan nito ang Barangay Ambuklao, Bokod sa lalawigan ng Benguet sa pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Dam.


Habang ang Barangay Dalupirip at Barangay Tinongdan, Itogon sa lalawigan ng Benguet sa pagbubukas ng dalawang gate ng Binga.

Facebook Comments