AMBUSH | Napatay na si Judge Pintac, una nang nakatatanggap ng death threats

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Ozamis Occidental Police Director Senior Superintendent Emmanuel Hebron na nakatanggap na ng banta sa buhay ang pinaslang na si Ozamis City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac.

Ayon kay Hebron, nakatanggap sila ng impormasyon na higit sa dalawa ang salarin at nakasakay sa motorsiklo sa pananambang kay Pintac.

Aniya, nakasuot ang mga ito ng helmet at gumamit sila ng 45 pistol sa pagpatay.


Sinabi rin ni Hebron, na hiniling ng pamilya ni Pintac na isailalim ang bangkay nito sa autopsy.

Facebook Comments