AMBUSH | Pamamaslang sa isang abogado sa Negros Occidental, kinundena ng IBP

Manila, Philippines – Kinundena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pamamaslang kay Atty. Ben Ramos sa Kabankalan, Negros Occidental.

Ayon sa IBP, nababahala sila na ang mga abogado na tumataguyod sa mga mahihirap na naaapi ang nagiging target ngayon ng mga pagpatay.

Umaasa anila sila na mabibigyan ng hustisya si Atty. Ramos lalo na at sa ilalim ng international law obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga abogado.


Una nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pamamaslang kay Ramos.

Facebook Comments