Amcara Broadcasting Network, nagisa sa pagdinig ng ABS-CBN broadcasting

Nagisa sa pagdinig ng Kamara para sa ABS-CBN franchise ang Amcara Broadcasting Network dahil sa arrangement nito sa pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43.

Sa pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, napag-alaman mula mismo kay Amcara Chairman Rodrigo Carandang na bagama’t meron lamang block-time agreement sa Channel 43, ang ABS-CBN din ang bumili ng gamit para sa kanila gaya ng transmitters.

Inamin din ni Carandang na ang signal ng ABS-CBN ang ginagamit nito sa pagbo-broadcast, bagay na kinumpirma ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba base sa pag-iinspeksyon ng kanilang engineers.


Dahil dito, tinawag ni Cavite Rep. Boying Remulla ang Amcara na moro-moro lang at malinaw na “dummy” ng ABS-CBN dahil ginagamit na lamang umano na alibi ang block-time arrangement para palusutan ang kapangyarihan ng Kongreso sa pag-iisyu ng legislative franchise.

Dahil dito’y iminungkahi ni Remulla na paimbestigahan na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang bagay na ito, na sinegundahan naman kasamahang si Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

Facebook Comments