American Pop Star Britney Spears – nasa Pilipinas na

Manila, Philippines – Nasa bansa na ang American Pop Star na si Britney Spears para sa kanyang concert mamayang gabi.

Bandang alas 11:30 kaninang umaga nang lumapag sa naia ang sinakyang private plane ni Britney mula Taipei.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakarating ng Pilipinas ang American Pop Star.


Kabilang sa mga pinasikat nitong mga kanta ang: Baby One More Time, Sometimes, Oops I Did It Again at marami pang iba.

Gaganapin ang one-night only show ni britney sa SM Mall of Asia Arena.

Facebook Comments