MANILA – Dumepensa ang Estados Unidos sa pahayag ng china na militarisasyon ang pagkikilahok ng us sa “Balikatan 2016”.Ayon kay Deputy Assistant Secretary, US Department of State Colin Willett, hindi militarisasyon ang ginagawa nilang pagpapadala ng mga war ship sa West Philipine Sea kundi pagprotekta lang sa freedom of navigation.Muling namang inalmahan ng amerika ang mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.Giit ni Willett, hindi lang pang-sibilyan ang imprastraktura na itinayo ng china sa pinag-aagawang teritoryo.Sinabi naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei, pipilitin ni Chinese President Xi Jinping na makausap si US President Barrack Obama kaugnay sa isyu ng teritorial dispute.Magkikita sina Xi at Obama sa Washington para sa nuclear summit sa susunod na linggo.
Amerika, Binweltahan Ang Pahayag Ng China Na Militarisasyon Ang Pakikilahok Ng Us Sa Balikatan 2016
Facebook Comments