Amerika, nanindigan sa pagkontra sa maritime claims ng China sa South China Sea

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkatig ng Estados Unidos sa 2016 Arbitral Award hinggil sa usapin ng pag-angkin ng China sa South China Sea.

Ito ay pamamagitan ng pahayag ng US State Department kung saan iginiit nito na naninindigan ang Amerika sa Philippines-US Joint Vision Statement na inilabas noong November 16,2021.

Partikular ang nakasaad na hindi naaayon sa international law of the sea ang patuloy na pagpapalawak ng China sa maritime claims sa South China Sea.


Ito ay ginagarantiyahan anila ng United Nations Convention on the Law of the Sea, at ng unanimous July 12, 2016 Award in the South China Sea Arbitration o ang The Republic of Philippines vs. The People’s Republic of China decision.

Facebook Comments