Manila, Philippines – Aminado ang Jobstreet Philippines na problema pa rin ang job mismatch sa bansa.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Monica Palomares, Jobstreet marketing specialist, malaking hamon pa rin sa bansa ang job mismatch lalo at nangunguna pa ring industriya ay ang Business Process Outsourcing (BPO).
Bagaman at maraming kumpanya ang nagtatanggap lamang ng mga estudyanteng nakapagtapos sa kolehiyo, huwag dapat ito ikadismaya ng mga K-12 graduates dahil may ilang kumpanya ang maari silang i-hire.
Ang job mismatch ay isang kalagayan sa paggawa, kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
Facebook Comments