AMINADO | Joshua Garcia, handa daw makipag-usap sa tatay ni Julia Barreto na si Dennis Padilla

Manila, Philippines – Aminado ang aktor na si Joshua Garcia na hindi pa niya nakakausap ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Ito ay matapos na pumutok noon ang isyung nag-uugnay kay Joshua sa isang non-showbiz girl, na nakapalitan niya ng direct messages sa instagram.

Dahil dito, nagsalita si Dennis na bilang isang ama ay nasaktan siya sa nangyari, at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makausap nang lalaki sa lalaki si Joshua.


Pero ngayong naayos na ang problema nina Joshua at Julia hangad ng young actor na makausap si Dennis kaya lang ay hindi pa raw nagku-krus ang kanilang landas dahil sa kapwa sila maraming ginagawa.

Facebook Comments