CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa Bulacan, Cavite at Laguna, makakaranas ng pansamantalang kawalan ng kuryente

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Bulacan, Cavite at Laguna.

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, walang kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Pulong Buhaging sa Sta. Maria, Bulacan dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste sa Cityland Avenue.

Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, wala din kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Sampaloc IV sa Dasmariñas City sa Cavite dahil sa line reconductoring works sa lob ng Bautista Property Phase II Subdivision.


Alas-11:30 ng gabi hanggang alas-2:30 ng madaling araw ng Sabado, brownout sa ilang bahagi ng Barangay Salcedo 2 sa Noveleta sa Cavite dahil sa relocation ng facilities ng Meralco sa Marsiella Street.

Alas-9:00 hanggang alas-9:30 ng umaga at alas-8:00 hanggang alas-8:30 ng gabi, may power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Maahas, Batong Malake, Bayog, Mayondon, Putho tuntungin at San Antonio sa Los Baños, Laguna dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco – Los Baños Substation.

Facebook Comments