AMINADO | PBA, aminadong nagkamali ang kanilang referee

633

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang technical committee ng PBA na nagkaroon ng pagkakamali ang kanilang mga referee sa game 4 ng laro sa pagitan ng San Miguel Beermen at Alaska Aces noong linggo.

Sa nasabing laban, hindi natawagan ng double-dribble violation sa fourth quarter si Cabagnot na siyang inireklamo ni Aces Coach Alex Compton pero hindi ito pinansina ng referee.

Dahil dito, natambakan ang alaska at hirap nang makahabol pa kung saan natalo sila sa score na 104-99.

Aminado naman si Eric Castro na siyang technical director ng PBA na may pagkakamali ang referee na si Noy Guevarra na siyang dapat tumawag ng violation pero iginiit nito na hindi daw nakita ni Guevarra ang ginawa ni Cabagnot.

Facebook Comments