NANGAKO | Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, itutuloy ang mga legislative agenda ng Palasyo

517

Manila, Philippines – Nangako si dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Arroyo na itutuloy niya ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Arroyo sa kanyang inilabas na statement na asahang susuportahan at itutuloy niya ang mga panukalang batas na nais maipasa ni Pangulong Duterte sa Kamara.

Ikinararangal din ni Arroyo ang pagpili sa kanya ng mga kapwa kongresista upang maging lider.

Si GMA ay naluklok sa puwesto matapos makakuha ng 184 na Yes votes at 12 abstention sa naging botohan kagabi matapos ang SONA ng Pangulong Duterte.

Wala namang lumalaban kay Arroyo bilang Speaker ng Mababang Kapulungan.

Bago ang naging botohan kagabi una nang inihalal si GMA at pinanumpa sa harap ng mga dadalo sa SONA pero inulit ng mga kongresista ang botohan upang hindi makuwestyon ang legalidad nito.

Facebook Comments