AMINADO | Quo warranto na nagtanggal kay Sereno, maaring kuwestyunin ng mananalong presidente sa 2020

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Solicitor General Florin Hilbay na maaring kuwestyunin ng susunod na pangulo ng bansa ang pagkakatanggal ni Ma. Lourdes Sereno bilang chief justice sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa media forum sa QC, aminado si Hilbay ng legal na wala ng iba pang legal na remedyo sakaling mabigo si Sereno na mabaliktad ang desisyon na nagpapatalsik sa chief justice.

Aniya, dahil sa kakaiba o unique ang desisyon at halos kinukuwestyon ng mga nasa legal community, posibleng kapag nagpalit ng pangulo sa 2020, maiwasto ang sa tingin niya ay unconstitutional na pagkatanggal ni Sereno.


Gayunman, sa ngayon ayon kay Hilbay ang pinakanainam na legal na remedyo pa rin ang Motion for Reconsideration (MR) lalo pa at dikit ang naging botohan.

Hindi na aniya tungkol ito kay Sereno kundi tungkol na ito sa pagtatanggol ng saligang batas ng bansa.

Facebook Comments