PLANE CRASH | Mahigit isang daang pasahero ng Boeing 737, hinihinalang namatay matapos bumagsak sa Cuba

Cuba – Bumagsak ang Boeing 737 ng Global Air ilang minuto palang ang nakakalipas ng umalis ito sa Jose Marti International Airport sa Havana.

May sakay ito na 104 pasahero at ang anim na staff.

Agad namang rumesponde ang rescuers sa crash site, maging si Cuban President Miguel Diaz-Canel.


Nagpaabot si Diaz-Canel ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima at tiniyak ang masusing imbestigahan sa nangyari.

Ang Boeing 737 ay may edad nang 40 na taong gulang at huling inspeksyon noong nakaraang Nobyembre.

Facebook Comments