AMLC, nakikipagtulungan na ngayon sa NBI hinggil sa umano’y mga bank accounts ni Chairman Bautista

Manila, Philippines – Bagamat hindi na idinetalye pa, tiniyak ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nakikipagtulungan na sila ngayon sa National Bureau of Investigation.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y sangkatutak na bank accounts ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at AMLC Chairman Nestor Espenilla Jr., gagamitin din nilang ebidensya ang mga dokumentong hawak ng NBI at ang mga isinumiteng ebidensya ni Patricia Bautista.


Balot ng kontrobersiya ngayon si Chairman Bautista dahil sa umano’y tagong yaman ng poll chief.

Una nang sinabi ng NBI na sa susunod na 2 hanggang 3 linggo ay magkakaroon na ng linaw ang imbestigasyong isinasagawa ng NBI laban kay Bautista.

Facebook Comments