Manila, Philippines – Umapela si House Committee on Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon sa Anti-Money Laundering Council o AMLC na busisiin ang pinanggalingan ng nadiskubreng pondo ng Maute Group.
Ito ay kasunod ng pagkakatuklas ng Philippine Marines sa 52 million pesos cash at 27 million pesos na halaga ng tseke sa isang machine gun post ng Maute.
Ayon kay Biazon, dapat na manghimasok na dito ang AMLC at gamitin ng gobyerno ang Human Security Act bilang pangontra sa Bank Secrecy Law para alamin kung sino ang account holders at lumabas na ang katotohanan.
Aniya, madaling malalaman ang source ng pondo dahil tiyak umanong may paper wrapping ang mga tseke na tumutukoy kung saang bangko ito galing, at makikita ang serial numbers ng pera.
Naniniwala naman si Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe na kailangang putulin na ang pagdaloy ng pera na tumutulong sa Maute at foreign terrorists upang matapos na ang bakbakan.
Dapat aniyang bigyang-prayoridad ang military operations sa Marawi tulad ng kung paano imbestigahan ang mga anomalya sa pamahalaan at gaano kabilis ang pag-freeze sa mga bank accounts ng mga sangkot rito.
DZXL558