Amyendang ilalapat sa Bank Secrecy Law, hindi dapat magamit sa political harassment

Manila, Philippines – Suportado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukalang pag-amyenda sa Bank Secrecy Law.

Gayunpaman, iginiit ni Drilon na dapat magkaroon ng safeguards para hindi ito magamit sa political harassment o kaya ay panggigipit sa sinumang indibidwal.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies ukol sa umanoy ill-gotten wealth ni COMELEC Chairman Andres Bautista ay nasermonan ni Drilon ang National Bureau of Investigation.


Ito ay matapos sabihin ni NBI Anti-Fraud Division Executive Officer Atty. Minerva Retanal na iniimbestigahan na nila ang mga kahina hinalang bank accounts ni Bautista.

Giit ni Drilon, labag sa batas ang ginagawa ng NBI dahil kailangan muna nitong humingi ng court order bago masilip ang bank accounts ng sinumang indibidwal.
Samantala, sa senate hearing ay tiniyak naman ng Luzon Development Bank o LDB ang lubos na pakikipagtulungan sa imbestigasyon ukol sa umano’y ill-gotten wealth ni Chairman Bautista.

Ayon kay Atty. Francis Lim ng LDB, kailangan lang ng written permission mula kay Chairman Bautista at waiver sa Bank Secrecy Law para malaya nilang maidetalye ang impormasyon ukol sa mga bank accounts nito.

Facebook Comments