Anak na Tumangging Uminom ng Alak, Binugbog ng Lasenggong Ama!

*Cauayan City, Isabela-* Tila nahimasmasan ang isang ama dahil sa kalasingan matapos maaresto sa pambubugbog sa kanyang sariling anak na binatilyo sa Brgy. Mangayang, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Lucas Tan Jr, 38-anyos, construction worker, may-asawa at residente ng Brgy.Mangayang, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya habang ang kanyang anak na biktima ay itinago sa pangalang Fred, 15-anyos na residente rin sa naturang lugar.

Pilit umanong pinapainom ng ama ang anak ng alak subalit tumanggi ito na dahilan upang bugbugin ito.


Napag-alaman umano ng kanyang ama na umiinom ang kanyang anak sa labas kasama ang kanyang mga kaibigan kung kayat sinubukan niyang yayain subalit tumanggi ang binatilyo.

Dahil dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa binugbog na niya ang kanyang anak na binatilyo.

Agad naman tumawag sa pulisya ang ina ng biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ng mister.

Ang ama ay posibleng masampahan ng kasong paglabag sa R.A 7610 o physical abuse.

Facebook Comments