Anak ng OFW na nasawi sa nangyaring sunog sa Hong Kong, nahandugan ng tulong mula sa Cainta LGU; DMW, nagpasalamat sa tulong ng lokal na pamahalaan

Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal sa 10 taong gulang na naulilang anak ng Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa nangyaring sunog sa Hong Kong.

Kung saan naglaan ang Cainta LGU ng buwanang ayuda, programang pang-edukasyon, at oportunidad sa kabuhayan para sa pamilya ng nasawi.

Kaugnay nito, lubos na nagpapasalamat si Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa alkalde ng Cainta na si Mayor Kit Nieto.

Ani Cacdac, makatutulong ang mga suportang ibinigay sa pamilya ng nasawing OFW upang matiyak ang kinabukasan ng anak nito at kapakanan ng pamilya.

Dagdag pa ng kalihim na ang pagtutulungan ng kanilang ahensya at lokal na pamahalaan ay nagpapatunay ng malasakit ng gobyerno sa mga OFW at mga pamilya nito.

Facebook Comments