Anak, Sinaksak ang Sariling Ina!

1018

*San Manuel, Isabela- *Sugatan at kritikal ang kalagayan ng isang Ginang matapos saksakin ng sariling anak ganap na alas singko ng hapon, May 15, 2019 sa Brgy. Eden, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Josephine Casticon, 50 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Eden, San Manuel, Isabela.


Sa inisyal na report na nakuha ng 98.5 RMN Cauayan, habang kinokompronta ng biktima ang kanyang 15 anyos na binatilyong anak tungkol sa pagkakawala ng kanilang mga gamit sa bahay ay nairita umano ang binatilyo kaya’t inilabas ang kanyang kutsilyo mula sa kanyang bulsa at agad inundayan ng saksak ang kanyang ina.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima nguniot agad din itong inilipat sa mas malaking ospital sa Lungsod ng Cauayan dahil sa malubhang tama nito sa tiyan.

Samantala, agad namang naaresto ang menor de edad na suspek ng mga barangay officials at agad na ipinasakamay sa PNP San Manuel para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments