Andre Paras, nagpasa ng aplikasyon sa paparating na PBA Rookie Draft

Photo Courtesy: Spin.ph

Personal na isinumite ng anak ni Basketball Legend Benjie Paras na si Andre Paras ang kanyang aplikasyon para sa paparating na Philippine Basketball Association Rookie Draft.

Sa edad na 25, planong sundan ni Andre ang yapak ng kanyang ama sa larangan ng basketball.

Bagama’t mas nag-focus ito sa kanyang showbiz career, ipinamalas din nito ang galing sa basketball matapos na kumamada ng double-doubles noong taong 2017 at 2018 sa PBA D-League AMA Online Education Team.


Inaasahan namang maraming koponan ang magkaka-interes na makuha si Andre.

Facebook Comments