Siyamnapung taon na ang ating paboritong sorbetes, sino ba naman ang makakalimot sa first love na ice cream sa bayan ng Asingan sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon kay Rodolfo Rodriquez, ang sinaunang pagawaan ng ice cream ay mano mano, ang ginagamit ay bato sa pagiling at ang unang naging flavor ay pineapple at cheese buko.
Ang kaniyang Ama na si Tatay Delon at ang Ina na si Nanay Lourdes ang nagpasimula nito pero panahon pa raw ng lolo ni Idol Rodolfo ang unang gumawa ng ice cream sa Bayan ng Asingan sa lalawigan ng Pangasinan Hindi naman talaga paglalako ng sorbetes ang unang naging negosyo ng mga Rodriguez dito sa bayan ng Asingan kundi ang gilingan sa palengke. Mayroon silang gilingan ng mani, kamoteng kahoy at gilingan ng malagkit. Dagdag naman ni Idol Rodolfo, isa pang trabaho ng kaniyang mga magulang ay ang gilingan ng diket na isa rin sa mga ingredients sa paggawa ng ice cream.
Madaling araw pa lamang ay inuumpisahan na nang kaniyang Tatay Delon ang paggawa ng ice cream tsaka isasakay sa nirentahang kalesa at ilalako sa paaralan at magsisimulang magbenta. Sa kwento ni mang Rodolfo, ang bentahan daw ng isang gallon noong 1960 ay nasa P70 pa lamang pati na rin ang asukal noon ay nasa tatlong piso din.
Sila din ang nauna na nagbenta ng ice buko sa bayan ng Asingan. Hanggang huling mga taon ng 90s, ay tinigil na ang paglalako sa mga barangay ng Asingan dahil may mga pagkakataon umano na may mga costumer silang lasing at loko loko na hindi binabayaran ang panindang ice cream hindi gaya kapag nasa kanilang pwesto.
Bago ang ECQ, nakakabenta sila ng higit kumulang sampung gallon kada araw at mas mabenta tuwing tag-init. Ipinagmalaki ni Rodriguez na sa pamamagitan ng pagbebenta ng sorbetes ay nakapagtapos sa pag-aaral ang lima nitong anak. At labis naman ang pasasalamat nito dahil magpasahanggang ngayon ay patuloy parin ang pag tangkilik sa kanilang ice cream.
Ulat ni Idol Nikko Karinioso