Ang Probinsyano Party List Rep. Edward delos Santos, opisyal ng naging Kongresista

Ikinatuwa ni Ang Probinsyano Party List Representative Edward delos Santos, makaraang opisyal siyang manumpa kay House Speaker Lord Allan Velasco bilang isa sa nangunang party-list groups noong 2019 mid-term elections na may dalawang upuan sa Kongreso.

Ayon kay delos Santos, bilang nasertipikahan ng Law Department ng Comelec noong nakaraang December 21, 2021, ikinatuwa nito na manominee siya bilang No.3 o susunod na rank sa Party List’s second nominee, na binago ang kanyang political affiliation at ibinasura mula sa kasama sa mga miyembro kung saan ang bagong pangyayari sa Ang Probinsyano Party List ay welcome development, umano dahil pagsasamahin na nila ang kanilang mga proyekto upang agarang makarating sa pangangailangan ng mga maraming probinsyano.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Rep. delos Santos kay House Speaker, Speaker Lord Allan Velasco at sa mga kasamahan nito sa Kongreso sa pagkilala sa kanya bilang miyembro ng House of Representatives.


Paliwanag ni Rep. delos Santos makaasa umano ang mga nagtiwala sa Ang Probinsyano Party-list na lalo pa umanong patitibayin nito ang mga programa, proyekto at adbokasiya ng kanilang partido.

Tiniyak ng Kongresista na mananatiling iisa ang layunin ng Ang Probinsyano Party List na makatulong at makapagbigay serbisyo sa mga kababayan saan man sa bansa na nangangailangan ng tulong ng kanilang partido.

Facebook Comments