Parañaque LGU, may mahalagang paalala sa mga magulang hinggil sa pagbabakuna sa mga bata

Nag-abiso ngayon ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa mga magulang ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang na nais maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Sa inilabas na paalala ng Parañaque LGU kanselado bukas, February 4, 2022 ang naunang schedule ng launching ng Pediatric Vaccination.

Gaganapin na lamang ang pagbabakuna sa darating na Lunes, February 7, 2022 kung saan isasagawa ang pagbabakuna sa SM Sucat.


Muli naman hinimok ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang upang mabakunahan na kontra COVID-19.

Para naman sa ibang mahahalagang anunsiyo, maaaring bisitahin ang official social media pages ng lokal na pamahalaan ng Parañaque gayundin sa abiso ng bawat barangay officials sa lungsod.

Facebook Comments