Isang binata, nahulihan ng iligal na droga sa Mandaluyong City

Kalaboso ang isang binata makaraang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Addition Hills Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Lorenzo Abbot, 24 anyos, residente ng Block 32 Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nagpanggap umano na bibili ng shabu ang mga suspek at nang iaabot na ang mark money ay agad dinampot ang naturang binata.


Sinampahan na ng kasong may kinalaman sa iligal na droga ang naturang suspek.

Facebook Comments