Ang Probinsyano Partylist, Namahagi ng Tulong sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Personal na bumisita sa probinsya ng Cagayan si Representative Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Partylist upang mamigay ng tulong sa mga estudyante at inidibidwal na kabilang sa marginalized at vulnerable sektor.

Nagtungo ang nasabing opisyal partikular sa mga bayan ng Santa Praxedes, Amulung at Baggao sa Cagayan upang ipaabot ang tulong pinansyal sa mga kwalipikado ng Department of Social Welfare and Development’s Assistance In Crisis Situation (AICS) program.

Ayon sa alkalde ng Santa Praxedes na si Esterlina Aguinaldo, aabot sa 667 indibidwal na kabilang sa marginalized at vulnerable sectors ang tumanggap ng nasabing programa.


Ang mga kabilang sa marginalized sector ay kinabibilangan ng mga kababaihan, single parent, senior citizens, mga manggagawa, informal sectors, mga may kapansanan at biktima ng kalamidad.

Ibinahagi naman ni Amulung Mayor Elpidio Rendon na tinatayang nasa 800 estudyante ang nakinabang sa hatid na tulong ng nasabing partylist habang namigay naman ng halagang P500,000.00 at P250,000.00 mula sa DSWD sa lokal na pamahalaan ng Baggao para sa mga mahhihirap na pamilya sa lugar.

Si Ong ay pangatlong beses nang bumisita sa mga nabanggit na lugar na layong matukoy at matugunan ang kanilang hinihinging tulong.

Facebook Comments