Angel Locsin, dismayado kay Sen. Koko Pimentel

346

Dismayado ang aktres na si Angel Locsin at pinagsisisihan raw nito ang pag-endorso bilang senatorial candidate noong 2007 elections kay Senator Koko Pimentel.

Kasunod na rin ito ng paglabas ng picture nila Angel at ng senador kasunod ng isyung pagsuway ni Pimentel sa quarantine protocol gayong siya ay Kinukunsiderang Person Under Investigation (PUI) at kalaunan ay positibo ito sa COVID-19.


Sa halip na manatili sa loob ng bahay ay sinamahan pa ng senador ang kanyang maybahay sa makati medical center noong March 24 ng gabi na nakatakda sanang manganak via caesarean section.

Say ni Angel sa netizen, super mortal sin daw at pinagsisi-sisihan ang pageendorso sa senador lalo na at ex-husband pa ito ng kanyang pinsan na si Jewel Lobaton.

Bilang concerned citizen, lalong ikinainis ni Angel ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa paglabag ni Pimentel sa quarantine protocol.

Una nang humingi ng paumanhin sa isyu si Senator Pimentel.

Facebook Comments