Angel Locsin, pinatulan ang isang basher

Showbiz – Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang pambabatikos ng isang netizen sa kanyang pakikipagtrabaho kay Angelica Panganiban.
Nagsimula ito sa pagpuna ng Instagram user na si @rocky_sam_oh sa pisikal na katangian ng aktres kung saan komento ng netizen na maganda si Angel ngunit mataba lang.
Sinabihan din ng netizen na “maarte” si Angel dahil ayaw umano nitong makipagsampalan kay Angelica sa pinagbibidahan nilang pelikula, ang wife husband wife.
Sinagot ni Angel ang netizen at nilinaw na hindi totoong tumanggi siyang magpasampal kay Angelica at saka sinabing intindihin maigi ang mga lumalabas na balita saka sinabing huwag silang magpakatanga.
Sa ngayon, burado na ang comments ng Instagram user ng netizen at pati na rin ang comment ni Angel.

Facebook Comments