Gobyerno, pinamamadali sa pamamahagi ng tulong sa ilalim ng mga welfare program

Pinamamadali ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gobyerno sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayang nangangailangan sa ilalim ng welfare program.

Kaugnay na rin ito sa pagdami ng mga Pilipinong nakararanas ng involuntary hunger sa bansa.

Ayon kay Pimentel, marami na ang naghihirap na pinalala pa ng El NiƱo at sobrang init ng panahon.


Kaya naman, dapat na bilisan na rin ng pamahalaan ang pamamahagi ng tulong o ayuda upang magamit na ng mga nangangailangan pangontra sa gutom, kahirapan at sobrang init ng panahon.

Samantala, naniniwala naman si Senator Chiz Escudero na hindi dahil sa El NiƱo ang resulta ng involuntary hunger sa bansa kundi bunsod ng inflation at mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dapat aniyang kumilos ang gobyerno na pababain ang inflation upang makaagapay sa mga mahihirap na kababayan.

Facebook Comments