Angelica Bolando Hale, handa para sa finals ng America’s Got Talent: The Champions

Manila, Philippines – Handa ang Pinay young aspiring singer na si Angelica Bolando Hale anuman ang maging kahinatnan ng nalalapit na finals ng America’s Got Talent: The Champions.

Say ng 11-anyos na singer, win or lose ay isang magandang pagkakataon na ang mapabilang siya sa “amazing & talented acts” sa buong mundo.

Bukas ng umaga, araw sa Pilipinas ang grand finals ng nasabing reality competition.


Dito ay makaka-faceoff ng Fil-Am singer ang iba pang bigating contestants.

Kung maaalala, gumawa ng kasaysayan si Hale bilang first-ever contestant na nabigyan ng dalawang golden buzzers mula sa judge kung saan lusot na ito sa elimination rounds at otomatikong pasok na sa finale.

Si Angelica ay maituturing na survivor kung saan apat na taong gulang pa lang ito nang sumailalim sa kidney transplant at ang mismong donor ay ang kaniyang inang si Eva Bolando-Hale na tubong Iligan City.

Facebook Comments