Angelica Panganiban, muling nag-post kasama si Carlo Aquino

Tila hindi na nakatiis pa ang aktres na si Angelica Panganiban na muling ipakita sa publiko na kasama nito si Carlo Aquino.

Matatandaan na noong January 9 ay sinabi ng aktres na lalayo na siya kay Carlo at titigilan na niya ang pakikisama dito.

Pero, kagabi muling nag-post si Angge ng picture na kasama si Carlo at iba pang kaibigang artista kaya at kaliwat’ kanang pamba-bash ang tinatanggap ngayon ng aktres kung saan ilan sa mga ito ay nagsabing wala siyang isang salita at laging naghahabol sa aktor.


Iginiit naman ni Angelica na “magkaibigan lang daw talaga sila ni Carlo” at hanggang doon na lamang ang nararamdaman nila sa isa’t-isa.

Facebook Comments