Anggulo sa negosyo sentro sa imbestigasyon ng PNP sa pagpatay sa Provl Health Officer ng Dinagat Province. Ayon sa PNP Provl. Director Supt. Ramir Perlas, unang inimbestigahan nila ang personal na kaaway o sa trabaho ang krimen ngunit napag-alamang wala itong naging kalaban. Tinukoy na sa negosyo nitong iba’t ibang gasoline stations sa buong probinsiya ang may posibleng motibo kaya pinatay si Dr. Vicente Soco Jr., ang Provl. Health Officer. Binigyangdiin ni Supt. Perlas na may nakuha silang impormasyon na nag-iiba-iba ng suppliers sa gasolina si Dr. Soco at diumano’y baka may nasagasaan itong supplier o business transaction. Inamin nito, sa buong Dinagat Province mura ang binebentang gasolina at krudo ni Dr. Soco, mas mura ng P2 bawat litro kung ikumpara sa ibang gasoline stations. Si Dr. Soco ang inilibing na kahapon sa tinubuang bayan sa Davao City. Iilang mga kasamahan nito sa trabaho, kaibigan at mga pasyente ang dumalo sa kanyang libing.
Anggulo sa negosyo sentro sa imbestigasyon ng PNP sa pagpatay sa Provl Health Officer ng Dinagat Province
Facebook Comments