MULING papasada sa Metro Manila at Cebu ang motorcycle booking application na Angkas matapos payagan ng Department of Transportation (DOTr).
Ngunit sasailalim muna sila sa test run ng anim na buwan habang inaayos pa ang panukala tungkol sa mga motorsiklong bumabiyahe. Magsisimula ito mula Hunyo hanggang katapusan ng taon.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, huwag sayangin ng pamunuan ng Angkas ang ipinagkaloob na pagkakataon. Dapat mapatunayan din na ligtas ang mga pasaherong sasakay sa kanila.
“Mariin naming binabalaan ang mga ride-hailing service na sumunod sa safety requirements sa kanilang operasyon. Huwag ninyong sayangin ang tiwalang ipinagkaloob namin sa inyo”, pahayag ni Tugade.
Pinasalamatan ng Angkas ang naging positibong desisyon sa kanila ng kagawaran.
“We are very happy that Secretary Tugade is looking into this. We will definitely provide all the necessary updates on the application and also on the information campaign to the public,” mensahe ni Angkas Public Affairs Head George Royeca.
Ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng Angkas noong Nobyembre 2017 dahil walang maayos na lisensya. Sa ilalim ng Land Transportation Code, hindi itinuturing na public utility vehicle ang mga motorsiklo. Maraming mga pasahero ang naapektuhan dahil ito ang madalas nilang piliin para makaiwas sa matinding traffic.
Nagpahiwatig na din babalik ang Angkas sa kanilang official Twitter page.
guess who’s back?
guess who’s back?
guess who’s back?
guess who’s back?
guess who’s back?
guess who’s back?
guess who’s back?— Angkas (@angkas) May 9, 2019