Anim na aktibidad, dadaluhan ni PBBM sa Bulacan

Anim ang nakalinyang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa araw na ito na gagawin lahat sa lalawigan ng Bulacan.

Magsisimula ang aktibidad ng pangulo ng alas -9:00 ng umaga kung saan pangungunahan ng pangulo ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Dulong Bayan Covered Court sa San Jose del Monte sa Bulacan.

Bago ang alas-10:00 ng umaga naman ay pangungunahan ng Chief Executive ang pamimigay ng government assistance sa Convention center sa San Jose Del Monte.


Pagkatapos nito’y tutungo rin ang pangulo sa kanyang ikatlong event at ito ay ang gagawin nitong pangunguna sa groundbreaking ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing project sa Heroes Ville, Brgy. Gaya-Gaya sa San Jose Del Monte.

Susunod na pupuntahan ng pangulo ang groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital na gagawin sa kapareho ring lugar at pagkatapos nito’y tatawid naman ng Barangay Caingin, bayan ng San Rafael at Barangay Peñabatan, bayan ng Pulilan para sa magkasunod na groundbreaking din ng Pambansang Pabahay.

Facebook Comments