Anim na ‘Cleared’ Barangay sa Cagayan, Tumanggap ng Tig-P20 Milyon

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng tig-20 milyong piso na tulong ang anim (6) na mga barangay sa Lalawigan ng Cagayan na ‘cleared’ na mula sa presensya at impluwensya ng mga teroristang CPP-NPA-NDF.

Ang anim na mga barangay mula sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan ay kinabibilangan ng Apayao at Villa Reyno sa bayan ng Piat; Anurtutu, Liuan, at Minanga sa Rizal; at Balanni sa Sto. Niño.

Ang ipinamahaging halaga ay sa ilalim ng Support to Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Napili ang mga nasabing barangay sa tulong ng kanilang LGU batay na rin sa tulong na kanilang kinakailangan gaya ng farm-to-market roads, health stations, school buildings, water systems, solar dryers, livelihood projects at pagpapatayo ng mga karagdagang poste ng kuryente at iba pa.

It includes farm-to-market roads, health stations, school buildings, water systems, solar dryers, livelihood projects and additional electric posts among others.

Facebook Comments